BINARIL at napatay ang pulis ng isa pang alagad ng batas na nagkaroon umano ng sakit sa pag-iisip noong isang linggo sa Taguig, iniulat ng National Capital Region Police Office.
Naitakbo pa sa ospital si EMSgt.
Edwin San Joaquin, 47, nakatalaga sa 8th Mobile Force Company ng Regional Mobile Force Bridage-NCRPO, pero hindi na naisalba ng mga doktor.
Ayon sa ulat, nakikipagusap si San Joaquin sa isang kasamahan noong Abril 16 nang lapitan at barilin nang dalawang beses ni Cpl. Bryan Jorkis Quinagoran, 28, nakatalaga rin sa 8th Mobile Force Company.
Dead on arrival ang biktima sa Parañaque Doctors Hospital.
Napag-alaman na nakararanas ng matinding depresyon ang suspek at isang linggo nang umiinom ng gamot.
Nakadetine siya sa Taguig City Custodial Facility at nahaharap sa kasong murder.