INANUNSYO kahapon ni Sen. Manny Pacquiao na negatibo siya coronavirus disease 2019 (COVID-19) base sa resulta ng PCR-based testing.
Sa kalatas, iginiit ni Pacquiao na maging ang kanyang pamilya ay negatibo sa virus.
“Nagpapasalamat po tayo kay Lord dahil patuloy tayong prinoproteksyunan. Nagpapasalamat din ako sa DOH at sa mga taong sumama sa pagdarasal upang malampasan natin ang pagsubok na ito,” aniya.
Ayon sa mambabatas, sumailalim siya at kanyang pamilya sa PCR-based testing makaraang magnegatibo sa rapid test kit mula sa South Korea.
Matatandaang pinagbawalan ang pamilya Pacquiao na lumabas ng kanilang tahanan makaraang magpositibo sa virus si Sen.
Koko Pimentel na nakita sa kanilang bahay.
MOST READ
LATEST STORIES