KINUMPIRMA ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang naging pag-uusap sa telepono nina Pangulong Duterte at United States (US) President Donald Trump kagabi kung saan tumagal ito ng 18 minuto.
“Ang otoridad ko lang na galing mismo kay Presidente ay tungkol ito sa kooperasyon na pupwedeng magkaroon ang Pilipinas at Estados Unidos ukol nga sa laban sa COVID-19, yun lang ang meron akong otoridad,” sabi ni Roque.
Idinagdag ni Roque na si Trump ang tumawag sa Pangulo.
“It was initiated by the US government. It lasted for about 18 minutes. It was cordial and it was about possible collaboration on COVID-19,” sabi ni Roque.
Bukod dito, tumanggi nang magbigay si Roque sa iba pang detalye ng naging pag-uusap nina Duterte at Trump.
MOST READ
LATEST STORIES