HOROSCOPE August 11, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Huwag magpadala sa sulsol ng mga kaibigan. Kung hindi magpapakatuso,  dahil sa kayabangan, biglang mauubos ang salapi. Iwasa muna ang lipunan,  romansahin na lang ang minamahal. Mapalad ang 7, 16, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohaya-Om.” Yellow at red ang buenas.     
Aries – (Marso 21-April 19) –  Wag mainggit sa iba na umuunlad, hindi mo ba alam, kaya mo silang daigin, basta kumilos at magsimula ka na ngayon. Sa pag-ibig, ang pagseselos ang magtutulak upang lalong lumayo ang minamahal. Mapalad ang 8, 12, 25, 36, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Mohan-Karan-Om.” Pink at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) –    Linggo ngayon! Simulan ang araw sa pagsisimba. Sa pinansiyal, gamitin ang iyong kagandahan upang magkapera. Sa pag-ibig, ano ngayon kung lumayo ang kasuyo, makakatagpo ka pa ng higit sa kanya.  Mapalad ang 3, 18, 21, 27, 31 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Rama-Krisna-Krisna!” Violet at beige ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) –  Kung nalugi ngayon, makakabawi ka pa rin naman bukas. Ang mahalaga wag kang susuko. Sa pag-ibig, matapos mong sabihin sa kanya ang iyong nasa loob, positibong reaksyon  ng kasuyo ang kasunod. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Silver at maroon ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) –   Sa pinansyal, ganyan talaga ang negosyo, taya lang ng taya ng puhunan hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, wag mo ng tuklasin ang mga lihim ng kasuyo, malulungkot ka lang. Mapalad ang 7, 16, 23, 39, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kubera-Regama-Mayabeeja”. Green at white ang buenas.
 Leo – (July 23 – August 22) –   Lahat ng bagay ay lilipas din. Sa pinansiyal, wag masyadong abusuhin ang sarili, baka magkasakit, mas malaking gastos ang kakaharapin. Sa pag-ibig, dahil ang lahat ay lilipas din, mamayang gabi, ipalasap sa minamahal ang pinaka-masarap na romansa. Mapalad ang 1, 8, 24, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Yellow at red ang buenas.
 Virgo – (August 23 – September 22) –  Sa pakikiumpok sa mga tao, panibagong pagkakaperahan ang matutuklasan. Sa pag-ibig, sa isang social gathering matatagpuan ang true love. Mapalad ang 5, 14, 23, 35, 40, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Lilac at  gray ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Tama ang iniisip mong lumayo sa lipunan. Gastos lang ang laging mapapala sa pagsalisali sa kung ano-anong gimmickan. Sa pag-ibig, imbis na makipag-sosyalan, mag-concentrate na lang sa minamahal. Mapalad ang 8, 12, 16, 24, 30 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Cumuntantis-Soliferum-Om”. Pink at yellow ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) –   Kung lalakasan mo lang ang iyong loob, nuon pa sana, mayaman ka na! Sa pag-ibig, lakas din ng loob ang susi upang ikaw ay lumigaya. Mapalad ang 5, 19, 28, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam”. Green at red ang buenas.
 Sagittarius – (November 22 – December 21) – Wag magpa-alipin sa kalungkutan.  Sa pinansiyal, ang negatibong damdamin ay magdudulot ng pagkalugi at pagkakasakit. Sa pag-ibig puntahan ang kasuyo at sa kanya ka makipagdaldalan upang ikaw ay malibang. Mapalad ang 3, 9,  21, 27, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Purple at blue ang buenas.
 Capricorn – (December 22 – January 19) – Kahit kumita ng kumita ng malaking halaga kung hindi ka magtitipid wala rin. Magipon muna ng mag-ipon ng maraming salapi bago gumastos sa mga bagay na madali namang masira at maluma.  Sa pag-ibig, tuloy ang pakikipag-relasyon sa isang Cancer. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim-Shaddai.” Green at white ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) –  Matatapos na ang problemang nasadlakan kung hindi na muling uulitin ang dating pagkakamali. Maging maingat sa pagpili ng kososyo upang hindi na uli malugi. Sa pag-ibig, ituon na lamang ang pansin sa kasuyong Geminil. Mapalad ang 7, 16, 22, 31, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Purana-Om.” Blue  at maroon ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) –Kung magtutulungan kayo ng kasuyo mas mabilis kayong yayaman. Sa pag-iibig kumbinsehin ang kasuyo na sumang-ayon sa iyong mga kagustuhan. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Gorocha-Sandapha-Om.” Green at lilac ang buenas.

Read more...