RUMESBAK sa panlalait ni Jay Sonza ang manager/comedian na si Ogie Diaz matapos tawaging ‘asymptopangit’ ng dating broadcaster ang huli.
asymptomatic – you know you have the virus and accepted it.
asymptopangit – nagiging kamukha mo na sina PAB jover at Ogie D. pero di mo pa rin matanggap.— Jay Sonza (@JaySonza3) April 18, 2020
Sa kanyang FB post bumuwelta si Ogie. Aniya kung makakadagdag pogi points ito para kay Jay, ay ‘go lang’ daw.
“Kung makakadagdag pogi points ke Jay Sonza ang paggamit sa pangalan ko, go lang. Sana, ikagwapo mo at magkaroon ka na din ng pwesto sa gobyerno na matagal mo nang inaasam-asam.”
“Pag wala pa ring nangyari, mag-suggest na lang ako sa ‘yo ng pwede mong gamiting tao, ‘yung mas sikat kesa sa akin kasi gustong-gusto kong gumwapo ka at makapwesto ka man lang, dahil awang-awa na ako sa ‘yo. Noon ka pa nagpapapansin, hanggang ngayon, waley pa rin naman.” dagdag pa ni Ogie.
Natatawa ako sa yo, wa echos. Hahaha! Sa yo pa talaga galing?😂😂😂. https://t.co/nMeCgULfon
— ogie diaz (@ogiediaz) April 19, 2020
Kung ang batayan daw ng kagwapuhan ay si Jay mas pipiliin daw ni Ogie na maging pangit.
Kilalang vocal supporter ng gobyerno at ni Pangulong Duterte si Jay Sonza
“Ikaw pa talaga ang nagsabi niyan? Sa ‘yo pa talaga galing, ha? Talaga ba? Hindi nga? Bigyan kita ng chance, ha? Pwede pang mag-change ang mind mo, ha? So sa yo pa talaga galing na pangit ako? Ikaw pa talaga ang nagsabi? Sure ka na ba? Hahahaha!” ani Ogie.