HALOS araw-araw din ang ginagawang pagtulong ng mag-asawang Ice Seguerra at Liza Dino sa mga naapektuhan ng lockdown sa bansa dahil sa killer virus.
Sa pamamagitan ng Volunteers Corps Ph na pinangungunahan nga ni Ice, marami na silang naabutan ng ayuda hindi lang dito sa Luzon kundi pati sa ilang bahagi ng Mindanao.
Ayon kay Ice, mas lalo silang ginaganahang tumulong ngayon dahil marami rin ang bukas-palad sa pagbibigay ng donasyon. Isa ang grupo nina Ice sa mga nakatanggap ng donasyon mula sa pondong nakalap ni Bela Padilla.
Ibinalita rin ng OPM icon na may mga volunteers na rin sila sa Mindanao na patuloy ding naghahanap ng mga donation doon.
Sa Instagram post ni Ice, ibinandera niya ang ilang relief operations at medical mission na nagawa ng Volunteers Corps Ph katuwang ang asawang si Film Development Council of the Philippines chairperson Liza.
Talagang kinakarir din ni Liza ang pagluluto para sa mga packed meals na ipinamimigay nila sa mga bayaning frontliners.
“Lumalaki na po ang ating pamilya!
I’m happy to report na nakakapagserbisyo na rin po tayo sa Mindanao. Howie Clavite leads VCP Lanao del Norte.
“Nakaikot na rin sila at nakapamigay ng goods sa ating mga kababayan. Simula pa lang po ito and we hope to reach more people in Mindanao.
“Hotmeal for the Heroes naman para sa iba’t ibang health centers sa Muntinlupa distributed by PLt. Reynaldo Orcine Samson and his team. Salamat sa ating mga cooks today! My wifey Liza Diño-Seguerra and Ate Nadia Montenegro Pla!!! Makikikain sana ako kaso bilang eh. Haha!
“We also had our very first medical mission in Binangonan, Rizal led by Dr. Melissa Sinchongco and Rior Santos with our mobile team led by Gat Mhaimhai. 160 persons ang nakapagpacheck up at nabigyan ng mga gamot habang may 150 families naman ang nabigyan ng groceries.
“Maraming salamat po sa ating mga donors for making this possible. Thank you also to our volunteers na walang pagod at walang tulog pero buong puso ang pagsisilbi.
“In order for us to continue serving our kababayans, kailangan po namin ng tulong ninyo. Malaking bagay po ang mga donasyon ninyo. Makakaasa po kayo na ang tulong ninyo ay makakarating sa ating mga kababayan.
Again, maraming maraming salamat po!
“We are Volunteer Corps PH and we are here to serve. #WeHealAsOne #UyMayTarp #WeGotYou,” ang mahabang caption ni Ice sa kanyang IG post.