IPINANUKALA ni House committee on ways and means chairman at Albay Rep. Joey Salceda ang pagpapalawig ng Enhanced Community Quarantine ng dalawang linggo sa Mayo.
Ayon kay Salceda nananatili ang panganib na lalong kumalat ang coronavirus disease 2019 kung hindi palalawigin ang quarantine hanggang sa kalagitnaan ng Mayo.
“We will be back to square zero. The 45 days (quarantine) we had will go to waste,” ani Salceda sa panayam sa telebisyon. “We need at least another two more weeks of testing to identify the risks of the virus.”
Mas magiging malaki rin umano ang epekto sa ekonomiya ng bansa kung hindi magkakaroon ng ikalawang extension ng lockdown.
Sa pagtatapos ang quarantine sa Abril 30 ay aabot lamang umano sa 130,000 ang mga taong mati-test na masyadong maliit sa 110 milyong populasyon ng bansa.
“Bilang isang bansa, ang pinakaimportante ay maprotektahan ang mga elderly na umaabot ng nine million,” ani Salceda.