NAKATAKDANG kasuhan ang tatlong miyebro ng pamilya mula sa Laoag City, Ilocos Norte na nahuling isinusugal ang perang natanggap mula sa Department of Social Welfare and Development.
Ayon sa ulat, nasakote ang tatlo sa kanilang bahay sa Brgy. 37, Calayab kahapon ng hapon.
Narekober sa tatlo–isang lalaki at dalawang babae–ang baraha at taya, ayon sa pulisya.
Sa presinto ay isiniwalat nila na ang pinaglalabanan nilang pera ay mula sa social amelioration program ng DSWD.
MOST READ
LATEST STORIES