Pagkain tinangay ng akyat-bahay

IMBES na gadgets at alahas, pagkain ang tinangay ng walong lalaki na nanloob sa isang bahay sa Butuan City kahapon ng madaling araw.

Sa ulat, dumaan ang mga kawatan sa hindi umano nakakandadong pinto sa ikalawang palapag ng bahay sa Acosta Village, Brgy. Libertad saka dumiretso sa kusina.

Nagising ang may-ari ng bahay dahil sa ingay ng mga suspek pero hindi na Ito lumabas ng silid sa takot na saktan ng mga kawatan.

Nakuha umano sa bahay ang halos isang sako ng bigas, de-lata, sabon, kape, karne, isda at mga nakapaketeng pagkain.

Ayon sa may-ari ng bahay, isang buwan nilang suplay ng pagkain ang tinangay ng mga suspek.

Pinaghahanap na ng pulisya ang walo, na pawang nakasuot ng face mask.

Read more...