NAGBABALA ang Gabriela partylist ng pagtaas ng bilang ng domestic violence dahil sa Enhanced Community Quarantine.
At ang masaklap ay mahirap umano para sa mga babae na magsumbong sa otoridad.
“Because of the lockdown, the window for seeking help has narrowed. Kung dati maaaring humingi ng tulong ang mga biktima ng abuso sa labas ng bahay, mahihirapan na sila ngayon dahil sa quarantine measures,” ani Gabriela Rep. Arlene Brosas.
Ayon kay Brosas sa France ay tumaas ng 30 porsyento ang bilang ng domestic violence mula ng mag-lockdown ito noong Marso 17.
Sa Hubei province ng China, ang naitalang domestic violence ay umakyat sa 162 ngayong 2020 mula sa 47 noong 2019, nang ipatupad ang lockdown.
Mayroon umanong mga natatanggap na ulat ang Gabriela nang magsagawa ito ng online legal clinic.
“This is why we are calling for the barangays to activate their women’s desk even during lockdown. Women are even more vulnerable because of the crisis, so we need to implement measures that will ensure that those who are experiencing violence and abuse will be able to get the necessary social and legal services,” dagdag pa ni Brosas.
Umapela ang lady solon sa mga lokal na pamahalaan na maglagay ng mga counseling centers upang matulungan ang mga biktima ng domestic violence.