NILINDOL ang Batangas kanina, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
May lakas itong magnitude 2.8 at naramdaman alas-11:04 ng umaga. Ang epicenter nito ay anim na kilometro sa kanluran ng Tanauan City. May lalim itong anim na kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plates sa lugar.
Naramdaman ang Intensity II sa Tanauan City.
Intensity I naman sa Talisay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending