Susuway sa ECQ poposasan

INATASAN ang mga pulis sa Baguio City na posasan ang mga residenteng lalabag sa quarantine protocol sa huling dalawang linggo ng lockdown.

Inisyu ni Mayor Benjamin Magalong ang utos isang araw makaraang mahuli sa checkpoint ang tatlong residente na ini-smuggle papasok ng siyudad.

Aabot na sa 295 violators ang nakulong mula March 17 hanggang Abril 1 sa siyudad.

“Placing violators in handcuffs would show residents they should not be complacent, given that Baguio doctors have treated 17 patients afflicted with the coronavirus disease (COVID-19),” giit ni Magalong.

Read more...