Rufa Mae na-lockdown sa US: Iniiyakan ko ang pandemic na ito! 

“INIIYAKAN ko ang pandemic na ito!”

Nakararanas na rin ngayon ng anxiety attack ang komedyanang si Rufa Mae Quinto.

Ito’y base na rin sa ipinost niyang mensahe sa Instagram tungkol sa mga ginagawa niya sa loob ng bahay habang ipinatutupad ang lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.

Nasa San Francisco, California ngayon si Rufa Mae kasama ang kanyang Filipino-American husband na si Trevor Magallanes at anak nilang si Athena. Doon sila inabutan ng lockdown kaya hindi na nakabalik ng Pilipinas.

Ayon kay Rufa Mae, siya ang laging nagpe-prepare ng kanilang pagkain at isa sa mga ginagawa niyang pampalipas oras ay ang pag-aayos sa mga supplies nila sa kusina para masigurong hindi sila kukulangin habang may lockdown.

Nag-post ng kanyang selfie quarantine photo ang komedyana sa Instagram Stories kamakailan na may caption na, “Abangers, itsura ng na lock down tapos hinde alam ano na naman kaya gagawin? Mag selfie na nga muna!

“Ano na nga ba Pilipinas kong mahal? Iniiyakan ko ang pandemic na ito. So ito ang itsura after emote. Ganito ba ang future ng anak ko? Takot, lungkot at inip? Wondering? ghost town? Etc.

“I get a headache and nanginginig laman ko sa news every time I read and watch, (Ayaw ko na nga mag watch kaya Lang I need to know what’s going on) asawa ko pa frontliner din! Working so much as police keep us safe.

“Dasal Lang at Basta ang magagawa ko ngayon e Malapit na makaipon pang pakain sa mga baby and mommies na fresh food and not in can #alalaysananay @camilleprats @thelollicakechic.

“Tapos ppe sa mga doctor ‍ @jelinequinto check my ig stories and feel free to help … 350 php Lang complete gear na bahala na guysh … Yaaaassss pa din Mae Quinto. #flattenthecurve maging #flatterthecurve #flaternthecurve kung Anu – Ano na.

“Thanks for the chance support and meet you guysh! Paano na kaya ibang na lock down sa hinde nila bahay or bansa?” pahayag pa ni Rufa Mae.

Ang tinutukoy naman ni Rufa Mae na pagtulong sa kanyang post ay ang suporta niya sa mga Alalay Kay Nanay fundraiser ng mga celebrity mother para sa mga apektado ng COVID crisis.

“From my sweet little sister @camilleprats , nag dm sya at mag plan ng #alalaykaynanay. Our plan to help in anyway.

“Together with my other mommy friends Lj Moreno,Chynna Ortaleza Cipriano, Iya Villania Arellano, Isabel Oli Prats, Lj Reyes and Chariz Solomon, we started a fundraising campaign to help feed babies called Project: Alalay Kay Nanay. Since most relief goods are not baby-friendly and most moms and parents are on a daily wage salary basis, they need help to buy baby essentials.

“Hope you could help us spread the word by sharing our post. Also, we are planning to do livestream fundraising via Facebook which will be all about moms. Thank you for taking time to read this.”

 

Read more...