EXCITED ka na bang makatikim uli ng RH at Empi?
Umapela sa pamahalaan ang mga manufacturer ng mga nakakalasing na inumin na tanggalin na ang liquor ban na ipinaiiral sa bansa.
Sa liham kay Trade Sec. Ramon Lopez, sinabi ng Center for Alcohol Research and Development (CARD) na nalulugi ang mga kumpanya ng alak dahil sa liquor ban.
Idinagdag ng grupo na kung sakaling magpatuloy ang ban, mamatay ang industriya at maraming manggagawa ang mawawalan ng pagkakakitaan.
Kabilang sa mga miyembro nito ang
Emperador Distillers, Ginebra San Miguel, Absolut Distillers, Far East Alcohol, at Asian Alcohol.
Matatandaang ipinairal ang liquor ban sa maraming lugar sa bansa dahil sa pagdikit-dikit ng mga tao sa mga tindahan at inuman na paglabag sa physical distancing protocol.
Ipinaliwanag naman ng CARD na mas maraming Pinoy ang “responsible drinkers” na umiinom “in moderation.”