“KUNG wala kang magandang sasabihin tumahimik ka na lang.”
Yan ang payo ni Bea Alonzo sa madlang pipol sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Naniniwala ang Kapamilya actress na nakakadagdag lang sa problema at tensiyon ang kanegahan ng ilang tao lalo na sa social media na mukhang dedma lang sa mga panawagan at kautusan ng gobyerno sa panahon ng krisis.
Ayon kay Bea, ito na ang tamang panahon para magnilay-nilay, magkaisa at magbayanihan para magtagumpay ang Pilipinas sa paglaban kontra-COVID.
“Everything is temporary. Hindi importante talaga sa panahon ngayon ang pera, fame. Ang magma-matter talaga ngayon is how you care for humanity and how you help each other.
“It’s very vital. Para sa akin ngayon ay no room for negativity. So kung wala kang magandang sasabihin tumahimik ka na lang,” pahayag ng dalaga sa panayam ng Magandang Buhay.
Isa si Bea sa mga celebrities na walang pagod sa paghahatid ng tulong sa mga COVID-19 frontliners at healthcare workers, mula sa pagkain hanggang sa medical supplies.
“Para sa akin ‘yung ibang tao baka nagko-cause din ng anxiety, stress, ‘yung napi-feel nila na hindi sila productive.
“Alam n’yo being at home, wearing a mask, washing your hands, and being healthy is already help in itself.
“So, kung wala kang means to help out, pangalagaan mo ang sarili mo para ‘di ka na magdagdag ng problema. Malaking malaking tulong na ‘yon. Tsaka be honest sa nararamdaman para mabigyan agad (ng proper medical attention)” lahad ng Kapamilya actress.
Dagdag pa niya, gamitin din ang napakaraming oras natin ngayon sa pagninilay-nilay, “Take time to reflect kung ano talaga ang meaning ng buhay para sa iyo. Ano ang purpose mo para magkaroon ka rin ng relationship with God.”
Sinagot din ni Bea ang tanong kung
naka-lockdown pa rin ba ngayon ang puso niya, “Yung mga tao na tinatawagan ang ex nila kasi lockdown, huwag naman. Hindi pa ako umaabot doon. Busy pa naman ako ngayon. Okay pa naman ako.”
Kung matatandaan, naging kontrobersyal ang break-up nila ng ex-boyfriend na si Gerald Anderson last year kung saan nadamay pa si Julia Barretto na inakusang third party daw sa hiwalayan.
Pero mariin itong itinanggi ng dalaga at sinabing hindi raw siya ahas at mang-aagaw ng boyfriend nang may boyfriend.