HappyLand nasunog; 500 pamilya apektado

TINATAYANG 450 hanggang 500 pamilya ang nawalan ng bahay sa sunog na sumikab sa HappyLand sa Maynila kaninang umaga.

Nagsimula ang sunog sa dalawang palapag na bahay na inuukupa nina Antonio Bullos at Josephine Villamar sa 6-K Sta. Paquita, HappyLand Brgy. 105 Tondo.

Nagsimula ang sunog alas-7:31 ng umaga. Pinaniniwalaang nagsimula ang apoy sa nag-overheat na electric fan.

Walang napaulat na namatay o nasugatan sa insidente pero kinailangang bigyan ng atensyong medikal si SFO4 Ronald Lim.

Naapula ang apoy alas-9:41 ng umaga.

Read more...