PAGTUNGTONG ng alas-8 ng gabi sa isang barangay sa Sta. Cruz, Maynila ay isang nilalang na nakaitim na hood at may bitbit na karit, putol na ulo at babala ang nagsisimulang gumala sa mga kalsada.
Ayon sa mga opisyal ng Brgy. 344, ginagamit nila ang simbulo ng kamatayan upang ipaaalala sa mga residente, lalo na sa mga bata, na pumasok ng bahay dahil sa curfew.
Sinabi ni brgy. chairman Allan Yamson na madalas makita ang lokal na bersyon ni Kamatayan sa
Rizal at Lacson avenues at sa Oroquieta, Tayuman at Herrera.
Naglalakad si “Kamatayan” sa saliw ng nakakatakot na tugtog, dagdag ni Yamson.
Bitbit nito ang sign na “Mahalaga ang buhay.
“Instead of telling children off to stay at home, when they see the Grim Reaper, they scramble to get home,” dagdag ni Yamson.