NAGHAHANDA na sa muling pagbubukas ang Ospital ng Sampaloc sa siyudad ng Maynila matapos itong ipasara ni Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso dahil sa pag-positibo ng ilang staff nito sa sakit na coronavirus disease o COVID-19 kamakailan.
Ayon sa Manila Public Information Office, nagsasagawa na ng cleaning at disinfecting ang Patient Care Services Department ng ospital para matiyak na ito ay ligtas na mula sa sakit na COVID-19.
TINGNAN: Tuloy-tuloy ang paghahanda ng pamunuan ng Ospital ng Sampaloc para sa muling pagbubukas nito sa publiko. #AlertoManileno #COVID19PH pic.twitter.com/1ht2ZCgfvy
— Manila Public Information Office (@ManilaPIO) April 17, 2020
Nagsagawa ng cleaning at disinfecting operations ang mga kawani ng Patient Care Services Department ng ospital upang tiyakin na malinis at ligtas ang mga pasilidad nito laban sa banta ng coronavirus disease o COVID-19.#AlertoManileno #COVID19PH
— Manila Public Information Office (@ManilaPIO) April 17, 2020
Noong April 4, limang hospital workers ang nagpositibo sa COVID-19 habang 14 na doktor, walong nurses at pitong administrative staff ang inilagay sa quarantine.