DOH may emergency hiring ng health workers

INANUNSYO ng Department of Health na magsasagawa ito ng emergency hiring ng mga health workers para lumaban kontra sakit na coronavirus disease o COVID-19.

Sa post nito sa social media, sinabi ng DOH na mangangailangan sila ng mga physician, nars, medical technologist at iba pang health support personnel sa ilalim ng ‘contract of service’ na hindi bababa sa tatlong buwan.

“This aims to augment our current health work force, who are working tirelessly in our fight against this pandemic.” ayon sa post.

Bukod sa basic salary na may premium na hanggang 20 percent, ang mga matatanggap na health personnel ay makakatanggap ng P500/per day na hazard allowance, P500 GSIS group insurance, at P1,000 per month communication and transportation allowance.

Meron din silang benipisyo sakaling tamaan ng sakit na COVID-19 at death benefits na aabot sa P1,000,000.

 

 

Read more...