DAPAT umanong gamitin na ang confidential and intelligence funds (CIFs) ni Pangulong Duterte para tulungan ang mga apektado sa ginagawa ng gobyerno upang labanan ang coronavirus disease 2019.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite ang CIFS ay pwedeng idagdag sa ipinamimigay na tulong pinansyal para mas maraming mahihirap na pamilya ang mabigyan.
“Pres. Duterte should be ashamed that while the Labor Department has maxed out its funds in helping workers, he stubbornly refuses to let go of his multi-billion peso pork barrel funds,” ani Gaite.
Sinabi ni Gaite na sinabi ng Department of Labor and Employment na hindi kaya ng budget ito na magbigyan ng tulong sa ilalim ng COVID19 Adjustment Measure Program ang may 1 milyong aplikante ng programa.
Ayon sa National Economic Development Authority aabot sa 1.8 milyong empleyado ang naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine. Sinabi naman ng DOLE na ang mabibigyan lamang nito ng tulong ay 435,000.
Ang CIFs ng Pangulo ngayong taon ay P4.5 bilyon.