HALOS malasog ang katawan ng doktora nang masagasaan ng 20-wheeler truck sa Quirino Ave., Pandacan, Maynila.
Naitakbo pa sa Ospital ng Maynila si Dr. Ma. Theresa Dajao, 54, subalit hindi na naisalba ang kanyang buhay dahil sa mga tinamong pinsala sa katawan.
Ayon sa ulat, pauwi mula sa duty sa Kahilum Health Center si Dajao, na sakay ng bisikleta, nang mabangga at magulungan ng truck.
Napag-alaman na malapit lang ang bahay ng doktor sa health center kaya bisikleta ang gamit nito.
Nadakip ang driver ng truck pero pinalaya makaraang makipag-areglo sa pamilya ng nasawi.
MOST READ
LATEST STORIES