Jennylyn, Dennis baliw-baliwan sa Japan; Barbie, Jak adik na sa video call 

HABANG nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Metro Manila, nagbigay ang Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ng pampa-good vibes sa kanilang latest Japan vlog. 

Dahil restricted pa rin ang mga travels dahil sa banta ng COVID-19, nagbalik-tanaw naman sina Jennylyn at Dennis sa kanilang masayang Halloween party sa Japan last November. 

Sa vlog ni Jen na uploaded sa kanyang YouTube channel, sinubukang hanapin ng Kapuso couple ang best ramen sa Shibuya pati na rin ang masayang Halloween party na kanilang sinalihan.

Sa halip ng mga classic Halloween characters, nag-ala Walt at Jesse sina Jen at Dennis na mga karakter mula sa kanilang favorite American series na “Breaking Bad.”

Dahil balot ng yellow hazmat suit at mask si Jennylyn tila kinilig naman ang mga nagpapa-picture sa kanyang mga girls na walang ideya na ang magandang aktres ang pinagkakaguluhan nila.

 Naaliw naman ang netizens sa kwelang Japan trip ng magdyowa. Sabi nga ng isang netizen, “Stress reliever ko talaga kayo ate Jennylyn at Kuya Dennis.” 

Samantala, balik-telebisyon naman si Dennis sa pagbibidahan nitong GMA series na Legal Wives kasama sina Alice Dixson, Megan Young at Bianca Umali.

 Habang tigil muna sa taping ang Descendants of the Sun nina Jennylyn at Dingdong Dantes ay mapapanood pansamantala ang rerun ng Encantadia sa timeslot nito.

* * *

Isa pang Kapuso couple na bentang-benta ngayon sa netizens ay sina Barbie Forteza at Jak Roberto.

Sa latest video sa Facebook page ni @KapusoPR Girl, ikinuwento ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie kung paano sila mag-bonding ni Jak sa gitna ng ECQ.

Aniya, madalas daw silang mag-video call, “Video call talaga. Minsan mas maaga siyang nagigising sa akin kaya pagkagising ko ang dami niyang text. Minsan sabay kaming nagwu-workout virtually bago ako mag-Netflix. 

“O kaya minsan kapag may movie na hindi pa namin napapanood parehas, sabay naming pinapanood habang magka-video call,” kuwento ni Barbie.

Dagdag ng dalaga, nami-miss man ang isa’t isa ay alam nilang mas importante ang manatili sa bahay muna, “Siyempre iba pa rin ‘yung magkasama pero mas importante ay safe kayong dalawa.”

Samantala, muling napapanood sina Jak at Barbie sa romantic comedy series na Meant To Be gabi-gabi sa GMA Telebabad.

 

Read more...