PWDs bigyang prayoridad- DILG

NANAWAGAN ang Department of Interior and Local Government sa mga local government units na bigyan ng prayoridad ang mga prioritize persons with disabilities sa pamimigay ng relief goods.

Ipinaalala ni DILG Sec. Eduardo Año na bago pa man ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay marginalized na ang mga PWDs.

“The ECQ is more challenging to vulnerable groups like PWDs. The DILG urges LGUs to prioritize PWDs in distributing food packs, medicine, and vitamins,” saad ng kalihim.

Sa DILG Memorandum Circular No. 2020-066, inatasan ang mga provincial governors na tiyakin na ang isinama ng mga mayor ang mga PWDs sa listahan ng benepisyaryo.

Ipinalabas ang circular matapos makatanggap ng ulat mula sa Commission on Human Rights kaugnay ng mga kalagayan ng PWD sector.

Ang mga barangay workers ang pinaglilista ng mga PWD. Ang listahan ay isusumite sa mga mayor na siyang magpapadala nito sa governor.

Ayon kay Año maaaring ipagamit ng mga barangay sa mga PWD ang kanilang sasakyan para matulungan ang mga ito sa oras ng pangangailangan.

“PWDs may find it harder to protect themselves against Covid-19. Thus, I am prodding all local chief executives to provide for the welfare of PWDs for them to cope up with the impact of the ECQ to their lives considering that they have special needs,” dagdag pa ng kalihim.

Read more...