AFTER a long time, muling nag-perform ang mega daughter na si KC Concepcion sa ASAP Natin ‘To last Sunday.
Kahit sa birthday celebration ni Megastar Sharon Cuneta sa ASAP nu’ng January ay hindi umapir o bumati man lang si KC sa kanyang ina.
Later na lang na-reveal na may tampuhan pala ang mag-ina that time. But it’s all water under the bridge now. Nagkaayos na sila at nakapag-usap na.
Halatang excited si KC sa guesting niya sa ASAP Natin ‘To. Ilang beses kasing ipinost ng aktres-singer sa kanyang social media accounts ang pag-apir niya sa Sunday musical show ng Dos.
Isang dance prod ang ginawa ni KC kasama ang dance princesses ng ASAP na sina Kim Chiu at Maja Salvador with Teacher Georcelle at and the G-Force Dancers.
Ewan lang kung natuwa ang fans ni KC sa ginawa niyang performance sa ASAP.
E kasi, hindi naman solo prod ang ginawa ni KC sa ASAP. Plus, kitang-kita sa screen ang “laki” ng katawan nita.
Tila na-eenjoy talaga ni KC ang enhanced community quarantine lalo na ang pagluluto at pagkain kung ang pagbabasehan nga ay ang pagiging malusog niya ngayon.
Agaw-eksena rin ang mga hita ni KC habang sumasayaw siya.
O, baka naman dahil sa suot lang niyang OOTD kaya nagmukha siyang “malusog?”
Tapos, naka-shorts pa siya kaya pansin na pansin talaga ang mga hita niya.
Bukod doon, isinama pa siya kina Kim at Maja na parehong slim ang katawan mas lumutang ang kanyang “kalusugan.”
Sana pinakanta na lang si KC na siya naman talagang first love ng dalaga. Ang hinihintay nga naming mangyari ay mag-duet sila ni Piolo Pascual.
For sure, marami ang kikiligin kapag nangyari yun. Marami pa rin kasi ang umaasa na baka sa ending ay sila pa ring dalawa ang magkatuluyan kahit pa medyo kontrobersyal ang paghihiwalay nila.
Pero malay nga natin, mapagbiro kung minsan ang tadhana, baka nga naman sila talaga ang nakatakda.