SA gitna ng mga pag-arestong ginagawa sa mga lumalabag sa Enhanced Community Quarantine, nagpaalala ang Department of Social Welfare and Development na hindi dapat maiwan na walang kasamang matanda sa bahay ang mga bata.
Sinabi ng DSWD na dapat ay agad na matukoy ang mga bata na naiwan na walang kasamang matanda sa bahay para magawan ito ng paraan.
βThe Local Welfare and Development Officers (LSWDOs) should immediately be notified of any reported unaccompanied, separated, or abandoned children for immediate intervention such as but not limited to provision of temporary protective custody either in LGU-run/nearby accredited NGO facilities, foster or kinship care arrangement, whichever is feasible for the best interest and welfare of children,β saad ng advisory ng DSWD.
Bukod sa LSWDO, maaari umano itong ipaalam sa DSWD hotline at 8-931-9141 o DSWD official FB at Twitter accounts @dswdserves.