Testing kits tinitipid ba ng DOH?

TINITIPID ba ng Department of Health ang pagbibigay ng mga testing kit para sa coronavirus disease 2019?

Ayon kay Iloilo Rep. Janette Garin, dating kalihim ng DoH, dapat magkaroon ng inventory ng mga testing kits na donasyon at binili ng ahensya.

 “On 14 April, we were supposed to start mass testing. But how can we effectively implement mass testing kung tinitipid ng DOH ang pamimigay ng testing kits?” ani Garin.

Ayon kay Garin “Hindi pwedeng marami ang nahanap na contact ng isang positive na pasyente ngunit pagpipilian lang natin sino sa kanila ang itetest. Dapat ay lahat ng contacts, mapatest natin dahil maaring mild lang ang ibang kaso ngunit makakahawa pa rin.”

Sinabi ni Garin na iba-iba ang numero na lumalabas kaya dapat ilabas ng DoH ang inventory ng mga testing kits.

“Singapore donated 43,000 test kits, China donated 100,000 Sansure kits and 2,000 BGI kits, Jack Ma donated 57,000 test kits. Brunei gave 20 units which can conduct 50 tests each. Hindi pa kasama dito ang mga binili o dinonate ng iba’t ibang organisasyon sa pamahalaan. Hindi rin kasama dito ang mga diretsong dinonate sa mga LGU.”

Ang isang Sansure test kit ay kaya umanong mag-test ng 22 samples ng mga pasyente. Ang test kits na donasyon ng negosyanteng si Jack Ma ay kaya ang 96 samples.

Kung susumahin ay mahigit umano sa 9.9 milyon ang test na maaaring magawa sa 202 test kits.

“Ngunit ayon sa DOH COVID Tracker, we have only conducted 43,500 tests and we only have 99,750 remaining test kits. Hindi well accounted for o documented ang mga test kits,” dagdag pa ng lady solon.

Mayroong 16 na testing center ang bansa para sa testing ng COVID-19 samples.

Read more...