2021 budget sesentro sa ‘new normal’

IKOKONSIDERA ng Kongreso ang ‘new normal’ sa paggawa ng budget ng gobyerno sa 2021.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano malaking bahagi ng budget ay gagamitin sa mga Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs) para mabilis na makabangon ang ekonomiya.

“Hindi pa natin maplano totally ‘yung 2021 budget because nagbu-budget call at nagbabago. But we can already predict that kailangan ng malaking stimulus at kailangan ng tulong ng micro, small, and medium enterprises,” ani Cayetano. “So you will probably see a 2021 budget that is really pump-priming small businesses.”

Sa Martes ay muling magsasagawa ng online hearing ang Kamara de Representantes para marinig ang mga ekonomista at makahanap ng mabisang solusyon sa kalagayan ng bansa.

Bukod sa budget ay ililinya rin umano ng Kamara de Representantes ang iba pang panukala upang matugunan ang mga naging problema sa pagharap ng gobyerno sa COVID-19.

“Well unang una sabi ko sa kanila (instructions sa congressmen) be very sensitive to two things. Na number one, nagbago ‘yung mundo. So ‘yung national ID,  ‘yung health facilities natin, ‘di n’yo puwedeng i-ignore ‘yan eh kasi hindi mo naman sure kalian magkakaroon vaccine. Pangalawa ‘yung stimulus plan ‘di ba? So even the projects—ng DOTr, ng Department of Agriculture at saka ng DPWH will have to be projects that will keep the new normal.”

Tinitingnan umano ng Kamara kung ano ang nababagay na tulong sa mga negosyo na mahihirapan ipatupad ang social distancing.

“…katulad halimbawa ng mga massage therapists ‘di ba? So the reality is hindi kami puwedeng makipag-usap sa hindi naming hinahawakan. ‘Di ba mga parlor saka salon, hindi lang naman gupit ‘yan eh, nagmamasahe, nagsa-shampoo din ‘yan and everything. And there’s… ‘yun pong entertainment halimbawa, marami pomg hindi nakakaisip, kasi nakikita po natin ‘yung mga sikat na celebrity at nagpapasalamat po kami sa kanila, sa kanilang fundraising, pagbibigay-saya. But for example, we’re going to try to meet ‘yung leadership nung mga sa comedy club. Kasi wala silang kita ngayon, ‘yung mga musikero, wala rin silang kita ngayon.”

Ayon kay Cayetano ang mga malalaking negosyo ay kailangan din ng tulong subalit alam umano ng mga ito ang gagawin para makabangon agad.

“So you will probably see a 2021 budget that is really frontlining smaller businesses. I think the bigger businesses, they’ll need help but they know how to recover. Napagdaanan na nila ‘yung Asian crisis – ‘yung 2008 financial crisis ‘di ba? And our banking system is solid, pero ‘yung maliliit lalo na ‘yung may utang na, isipin n’yo po ‘yung mga tinamaan ng Yolanda, ‘yung mga poultry doon, may utang na sila tinamaan ng Yolanda tapos ngayon na naman ulit. Tingnan ‘yung mga poultry for example sa Batangas, hindi pa nakaka-recover doon sa ashfall nandito naman. So we have to be creative with that.”

Read more...