SINIMULAN na ng Department of Public Works and Highways ang paggawa sa dalawang lugar na gagamiting temporary health facilities para labanan ang coronavirus disease 2019.
Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar sinimulan na ang paggawa sa Filinvest Tent sa Muntinlupa City at Philsports Arena (ULTRA) sa Pasig City.
Ang Filinvest Tent ay may 108 bed capacity.
Ang Philsports naman ay pwedeng paglagakan ng 156 pasyente.
Ang paggawa ng cubicle ay ginagawa umano sa ibang lugar upang masunod ang social distancing policy. Dadalhin na lamang ang mga ito kapag kailangan ng i-assemble sa nabanggit na mga lugar.
“With public-private partnership, the government hope to further convert more facilities to address hospital congestion, and ensure efficient treatment of patients battling COVID-19 virus,” ani Villar.
Ang technical plans ng ULTRA at Filinvest Tent ay inaprubahan ng hospital design specialist Architect na si Dan Lichauco.