ISASAILALIM sa “total lockdown” ang buong Luzon kung magpapatuloy ang mga residente na balewalain enhanced community quarantine.
“Nung huling press briefing ko po pinaanunsyo sa akin na fake news po ‘yung kumakalat nang balita na magkakaroon ng total lockdown. Pero hindi po fake news na kinukunsidera ang total lockdown lalong lalo na kung magpapatuloy ‘yung mga pasaway sa ating mga kalsada,” ani Presidential spokesperson Harry Roque.
Mahigit 100,000 katao na ang nahuli ng mga otoridad na lumabag sa ECQ protocols.
Umapela si Roque sa publiko na manatili sa bahay hanggang Abril 30.
“Wag na po natin pahabain pa itong ECQ. Tumupad na po tayo sa ating obligasyon at kakaunting panahon na lamang po ang natitira sa ating ECQ. Isang linggo. Konting tulog na lang po ito. Pagtiyagaan na po natin,” aniya.
“Pero pag hindi po natin napa-flatten ang curve, hindi natin nabawasan ang mga kaso ng COVID, siyempre po isa ‘yan (total lockdown) sa option na ikukunsidera,” dagdag niya.