ARESTADO ang 13 katao at nakumpiska ang mahigit P190,000 halaga ng ipinagbabawal na gamot sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Quezon City.
Nasakote ng La Loma Police si Kristopher Tano, 36, ng Caloocan City, alas-10 kagabi sa A. Bonifacio Ave. kanto ng Balingasa st., Brgy. Balingasa. Wala umano itong suot na helmet habang nagmomotorsiklo kaya pinara ng mga pulis. Nang kapkapan ay nakuha umano sa kanya ang P34,000 halaga ng shabu.
Masambong Police naman ang humuli kina Merwin Silva, 24, at Christopher Halili, 33, alas-10:35 kagabi sa Project 6. Nakuhanan umano sila ng P27,000 halaga ng shabu.
Nahuli naman ng Talipapa Police sina John Romar Palomar, 22, at Michael Lacambra, 24, alas-9:15 kagabi sa kanto ng Karingal st., at Nawasa Rd. Brgy. Pasong Tamo at nakuhanan umano ng P47,600 halaga ng shabu.
Naaresto rin nila sina Crisanto Gopres, 18, at Rodolfo Villaluz, 39, laas-10:20 ng gabi sa Taurus st., Brgy. Tandang Sora. Tig-P1,000 umano ang nakuha sa kanilang shabu.
Huli naman sina Jonathan Dacumus, 30, Roel Del Rosario, 28, Edwin Ramos, 37, Gilbert Motita, 38, at Aristotele Binuya, 45, alas-2:30 ng hapon kahapon sa General Luiz, Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches. Nakuhanan umano sila ng P47,600 halaga ng shabu.
Naaresto naman ng Batasan Police si Lester Mallari, 28, alas-10 kagabi sa IBP Rd., Brgy. Batasan Hills. Narekober umano sa kanya ang P34,000 halaga ng shabu.