TV5 milyun-milyon ang ibabayad kay JUDAY; GMA 7 mas bongga ang alok na kontrata


Hindi pa pala sure kung magre-renew ng kontrata sa ABS-CBN si Judy Ann Santos dahil base sa panayam namin sa manager niyang si tito Alfie Lorenzo sa album launching ni Michael Pangilinan sa Zirkoh Morato noong Huwebes ng gabi ay nagkibit-balikat lang siya nang tanungin namin siya kung kailan sila pipirma ulit ng kontrata.

“Depende pa sa offer nila, hindi pa kami nagkakausap. Maganda rin kasi ang offer ni MVP (Manny V. Pangilinan, may-ari ng TV5) at ang GMA, napakaganda rin plus nandoon ang asawa niyang si Ryan (Agoncillo).

“May offer sa mag-asawa sa GMA na serye at sila ang co-producer, so mas lalaki ang kita nila, di ba? E, sa ABS naman hindi puwedeng ganu’n.

Kaya depende sa offer ng ABS kung mas maganda, e, di tuloy pa rin, kung hindi, e, di alam mo na,” katwiran ni tito Alfie.

Malalaman kung ano ang final answer nina tito Alfie at Juday next week dahil may meeting raw sila sa mga bossing ng ABS-CBN.

( Photo credit to Google )

Read more...