Ito na itsura ng Blumentritt market ngayon

MAALIWALAS na ang palengke ng Blumentritt sa Maynila ngayong araw dahil iilan na lamang mamimili ang nagpunta roon.

Batay sa larawang ibinahagi ng Manila Public Information Office, maluwag na ang mga kalsada sa pamilihin.

Ito ang unang araw ng pagpapatupad ng pamahalaang lungsod ng Maynila ng mga bagong regulasyon sa palengke.

Isa sa mga itinakdang bagong panuntunan sa lugar ay ang pagkakaroon ng tatlong entry at exit points.

Nagtakda rin ng schedule kung anong oras maaaring makabili ang mga residente ng Maynila, hindi residente nh lungsod, at mga wholesale buyers.

Matatandaang bumuhos ang mga mamimili sa nasabing palengke noong  Martes kaya hindi nasunod ang social distancing protocol.

Read more...