80 pasaway nalambat sa naka-shutdown na barangay sa Tondo

KAHIT naka-shutdown ang Brgy. 20 sa Tondo, Maynila ay hindi nagpapapigil ang mga pasaway na residente at nagsilabasan pa rin sa kanila-kanilang mga bahay ang ito.

Aabot naman sa 80 katao ang pinagdadampot ng 150 pulis at sundalo na nag-iikot at nagbabantay sa barangay simula alas-8 kaninang umaga.

Dinala ang mga pasaway sa

Tondo Sports Complex at nakatakdang pakawalan ilang oras mula ngayon.

Matatandaang isinailalim ni Mayor Isko Moreno sa total lockdown ang nasabing barangay dahil sa isinagawang paboksing at pabingo sa lugar kamakailan.

Nagsimula ang lockdown alas-8 ng gabi kahapon at tatagal hanggang alas-8 ng gabi ngayong araw.

Read more...