Conditional quarantine lifting sa mga lugar na walang kaso ng COVID-19 inihirit

MAAARI umanong magpatupad ng conditional quarantine lifting ang gobyerno matapos ang Enhanced Community Quarantine sa Abril 30.

Ayon kay Ako Bicol Rep. Elizaldy Co maaaring alisin na ang quarantine sa mga island provinces na walo o isa lang ang kaso ng coronavirus disease 2019.

“The objective of quarantine lifting is to allow people, albeit in limited numbers and in select localities, to return to their jobs. We’re fighting a protracted war and until no vaccine is invented, government’s limited resources can’t support and feed all those who were displaced. We need to save government funds for the longer battle,” ani Co.

Ayon sa World Health Organization aabot sa dalawang taon bago makagawa ng epektibong bakuna laban sa COVID-19. Nang kumalat ang Spanish flu apat na taon bago nagkaroon ng epektibong gamot.

“But the economy can’t wait and our resources can’t last that long,” ani Co.

Sa pagdami umano ng mga taong nati-test, magkakaroon ng datos ang gobyerno upang matukoy ang mga lugar na dapat manatili sa ilalim ng quarantine.

“With sufficient data, government can plan and identify which areas can reopen or remain in full lockdown. If we implement selective quarantine, initial estimates indicate that we can save as much as P30-billion,” dagdag pa ng solon.

Ipinanukala rin ni Co ang pagpapanatili sa mga senior citizens sa loob ng kani-kanilang bahay, pagpapanatili ng mga sara sa mga boundary, mandatory na pagsusuot ng facemask ng mga papayagang magtrabaho, pagpapatupad ng social distancing at automatic lockdown sa mga munisipyo o probinsya na may bagong aso ng COVID-19.

Read more...