Photo scandal ni GERALD mas mabenta bakla sa kesa SEX VIDEO nina CHITO at NERI NAIG


HINDI na pinatulan ni Gerald Anderson ang photo scandal na kinasangkutan niya kamakailan. Ito ‘yung larawang kumalat sa internet kung saan nakuhanan siyang umiihi.

Kitang-kita roon ang pagkalalaki ng taong nasa larawan na sinasabi nga nilang si Gerald. Ayon sa mga usap-usapan sa mga social networking sites, isang kaibigan daw ni Gerald ang kumuha noon na hindi alam ng aktor.

Pero hindi naman malinaw kung paano ito na-upload sa internet. May nakapagsabi sa amin na totoong si Gerald daw ang nasa picture, hindi raw ito dinaya o pineke sa pamamagitan ng photoshop.

Pero may ilan namang nagsasabi na ipinatong lang ang “pekeng notes” sa katawan ni Gerald at pinalabas na siya ang dyumidyinggel.

Ayon naman sa isa naming friendship, kung totoong si Gerald ang nasa photo scandal na ‘yun, mas lalo raw niyang mamahalin at sasambahin ang Kapamilya actor dahil napatunayan niyang “dakila” ito.

“Grabe! Kahit siya ‘yun, basta sa imagination ko, that’s Gerald! Kaya naman pala hindi siya makalimutan ng mga babaeng nakakasama niya! Meron talaga siyang ipagmamalaki. Ha-hahaha!” kinikilig pang sabi nito.

Hirit naman ng isa pa, “Mas gusto ko na ‘yung kay Gerald kesa sa sex video nina Chito Miranda at Neri Naig, ‘no! Mas dakila si Gerald!”

Well, hanggang ngayon nga ay hindi pa nagsasalita si Gerald tungkol dito, siguro may nagpayo sa kanya na huwag na itong patulan para hindi na lumala ang issue.

Anyway, very soon ay mapapanood na rin natin ang comeback teleserye ni Gerald, ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin ng Dreamscape Productions, kasama rin sina Cristine Reyes, Rayver Cruz at Dawn Zulueta.

Sa nakaraang trade launch ng ABS-CBN para sa mga bago nilang programa, talagang humanga ang mga nakapanood ng trailer ng serye.

I’m sure atat na atat nang mapanood ng fans ni Gerald ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin dahil matagal-tagal na ring namahinga ang aktor sa teleserye, ang huling proyekto pa niya ay ang Budoy.

( Photo credit to Google )

Read more...