Rapid test kits pwedeng gamitin para mapili ang papayagang magtrabaho

MAAARI umanong magamit ang mga rapid antibody testing kits na bibilhin ng gobyerno para matukoy ang mga tao na mayroon ng antibodies na lumalaban sa coronavirus disease 2019 at maaari ng payagang makapasok sa trabaho.

Nagpasalamat din si Bagong Henerasyon Rep.. Bernadette Herrera kay Pangulong Duterte sa desisyon nito na gumamit ng rapid antibody test bukod sa polymerase chain reaction (PCR) assay test na ginagamit ng mga laboratoryo.

“Experts say antibody testing could play a crucial role in easing coronavirus lockdowns around the world and reviving economies, so why not give it a try?” ani Herrera.

Sa PCR assay test tinutukoy kung mayroong COVID-19 ang isang tao samantalang sa rapid test ang hinahanap ay kung mayroon ng antibodies ang isang tao laban sa COVID-19.

     Ang antibodies ay ang reaksyon ng katawan para mapatay ang isang sakit.

    “Through antibody tests, we can identify those who are already immune and can go back safely to work, and help reignite the economy,” dagdag pa ni Herrera.

May pag-aaral din umano ang World Bank na may titulong “How Two Tests Can Help Contain COVID-19 and Revive the Economy”.

“If PCR assay testing, together with tracing and isolation, helps reduce the duration of suppression measures by two weeks, and antibody testing allows one-fifth of the immune return to work early, the gain could be about 2 percent of national income, or about $8 billion for a country like the Philippines,” ani Herrera batay sa WB briefer.

Nakasaad umano sa briefer na ang PCR ay maaaring gamitin sa mga posibleng nahawa at ang rapid test kits ay para mapili naman ang mga tao na maaari ng pumasok sa trabaho.

Read more...