UMABOT sa 400 US dollars o P20,000 ang unang kinita ng Kapuso actress na si Kris Bernal sa kanyang YouTube channel.
Kamakailan ay natanggap na ni Kris ang kanyang Silver Play Button mula sa YouTube dahil umabot na sa mahigit 100k ang subscribers niya kaya siguradong mas malaki na ang kinikita niya ngayon sa YT.
Pero sa halip na ibulsa ang kinita, idinonate ito ng Kapuso artist sa iba’t ibang animal welfare organizations dahil mahilig siya sa aso at may alaga rin siyang pusa.
Dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine ng gobyerno, ilan sa mga pampalipas-oras ng mga netizens ngayon ay ang panonood ng video ng mga sikat na vloggers maging celebrities.
Isa nga si Kris sa mga celebrities na may growing YouTube channel with over 200k subscribers. Sa kanyang recent vlog, ibinida ni Kris ang kanyang Silver Play Button.
At dahil matunog ngayon ang paggamit ng social media bilang source of income, ibinahagi ni Kris ang kanyang unang sweldo sa YouTube.
“So ‘yung first income ko, dinonate ko siya sa iba’t ibang animal welfare organizations kasi mahilig nga ako sa aso and may alagang akong pusa,” ani Kris na nagpasalamat sa mga subscribers nito sa hindi nila pag-skip ng ads.
Bukod sa pagtulong sa mga animals, tinutulungan din ni Kris ang mga freelancer sa pamamagitan ng pagpapa-edit ng kanyang mga vlogs.
“To video editors out there who want to work with me, feel free to send me an email with your sample works attached. Glad to be of help to freelancers during this challenging time,” dagdag pa ng Kapuso actress.