Walang patid na suplay ng tubig tiniyak ng Manila Water

TINIYAK ng Manila Water na sapat ang tubig nito para isuplay sa East Zone sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019.

Sinabi ng Mania Water na gumawa ito ng ibang pagkukuhanan ng isusuplay na tubig sa mga kustomer nito gaya ng Cardona Water Treatment Plant sa Rizal at deep well.

“Skeleton workforces are also on duty at every water supply and wastewater facility to ensure that service delivery remains unhampered,” saad ng Manila Water. “Even during these summer months and despite the enforcement of enhanced community quarantine in Luzon, Manila Water also continues to implement operational adjustments to equitably distribute water to all its customers.”

 Bagamat inaasahan umano ang pagtaas ng konsumo ng mga residential customers, nabawasan naman umano ang konsumo ng mga commercial establishment at business offices na sarado dahil sa Enhanced Community Quarantine.

“The company also ensures its support for East Zone hospitals’ requirement for clean and safe water supply by installing line boosters and constructing deepwells in some of these health facilities.”

 Ang Cardona Water Treatment Plant ay nakakapagsuplay na umano ng 100 milyong litro ng tubig kada araw. Galing ang tubig sa Laguna Lake.

Sa ikalawang quarter ng taon ay aabot na rin umano sa 100 milyong litro ng tubig kada araw ang maisusuplay ng mga deep well na itinayo sa iba’t ibang lugar.

Sa kasalukuyan ay 44 milyong litro ang naisusuplay ng 36 deep well.

“Booster pumps are likewise strategically placed at key points along the distribution lines to help drive water to elevated communities.”

Read more...