13M pamilya hindi pa nabibigyan ng social amelioration

KAY Pangulong Duterte na umano nanggaling na mahigit 13 milyong pamilya pa ang hindi natutulungan ng gobyerno.

Ayon sa pahayag ng Makabayan bloc, nakasaad sa 27-pahinang ulat ni Duterte sa Kongreso na nabigyan na ng tulong pinansyal ang 4,367,667 family beneficiaries.

Malayo umano ito sa 18 milyong pamilya na target matulungan sa ilalim ng Social Amelioration Program.

Kasama umano sa nabigyan ng tulong pinansyal ang 3.72 milyong pamilya sa 4.4 milyong pamilya na nasa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, 40,418 benepisyaryo mula sa TNVS at PUV sector; 300,994 benepisyaryo sa Rice Farmers’ Financial Assistance Program at 18,495 benepisyaryo sa Financial Subsidy for Rice Farmers ng Department of Agriculture, 167,841 recipients ng CAMP (COVID-19 Adjustment Measures Program) at 118,086 TUPAD beneficiaries ng Department of Labor and Employment.

This means that, after nearly one month under lockdown, only around one-fourth of the target has been reached, and that the latest figure only slightly increased from last week’s total number of beneficiaries despite the clamor to expedite government efforts,” saad ng joint statement ng Bayan Muna, Gabriela, ACT, at Kabataan.

Sinabi ng Makabayan na habang marami ang hindi nakakakain ng tama ay nasa DSWD lang ang pera na para sa kanila.

Read more...