Gretchen Ho nakipaglaban din sa anxiety attack: Wake up call ni Lord sa akin

GRETCHEN HO

FOR the first time, inamin ng Kapamilya TV host na si Gretchen Ho na nakipaglaban din siya sa anxiety attack.

Inamin ni Gretchen na hindi siya yung tipo ng tao na nag-o-open up sa social media ng mga personal na nangyayari sa kanyang buhay.

Pero aniya, ito na siguro ang tamang paraan para mag-share ng kanyang experience tungkol dito lalo na ngayong panahon ng health crisis dahil nga sa COVID-19.

“Hindi naman ako mahilig mag-share nang sobrang personal online. Usually offline hehe.

“Pero baka makatulong itong kwento ko sa mga nakakaramdam ng anxiety sa ganitong panahon,” bahagi ng mensahe ni Gretchen sa video na ipinost niya sa Instagram.

“This was my Black Saturday sharing for an online retreat. Here is my personal experience of anxiety, trying to deal with the unknown and how I got out of it.

“Experiencing anxiety, especially at this time, is a normal thing. What we have to do is to pause, reflect on it, understand it, pray to the Lord about it and seek help when needed,” aniya sa kanyang IG caption.

Ayon pa sa dalaga, nagkaroon siya ng anxiety attack nang maraming gumugulo sa kanyang isip, lalo na noong magsunud-sunod ang kanyang trabaho.

“Dahil ang dami ko pong worries, ang dami ko pong iniisip, parang nakaramdam po ako ng kakaibang pagod. Nag-palpitate yung arms ko, legs ko, sumakit ‘yung batok ko,” pahayag ng TV host.

Nang magpa-check up siya, kinumpirma ng doktor na meron nga siyang anxiety at dito niya napagtanto na baka ito na ang wake up call na hinihintay niya mula sa Diyos.

“I think that was God’s wake up call for me and I asked myself why am I working this hard? Am I really doing this for His glory, for His purpose? Or am I doing it for myself?

“And I realized I was doing it, I was exerting that effort, because of my insecurities. Feeling ko kapag work ako nang work, lagay ako ng effort, that would push my career forward,” lahad pa ni Gretchen.

Aniya pa, “I was reminded by God that I should not place my worth in what other people thought of me but instead based it on His love for me.”

“Para sa mga gustong mag online retreat, naka upload pa rin ang mga video sa ‘Paghilom: An Online Holy Week Retreat for the Youth with Fr Soc Villegas’ FB Page. Kudos and great job to the team behind it,” mensahe pa ni Gretchen.

Read more...