4 dakip, P70.4M shabu nasabat sa Cavite

APAT katao, kabilang ang dalawang banyaga, ang naaresto habang aabot sa P70.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa buy-bust operation sa isang mall sa Dasmariñas City, Cavite, Martes ng hapon.

Dalawa sa mga naaresto’y nakilala bilang sina Clement Nwachukwu at Starboi Nwachukwu, kapwa mula Africa, ayon sa ulat ng PNP Drug Enforcement Group (DEG).

Kasama nilang nadakip sina Mohammad Akil Esmail at Saimen Esmail, kapwa Pilipino.

Isinagawa ng DEG ang operasyon sa The District mall dakong ala-1:30.

Tinatayang 11 kilo ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa mga suspek, ayon sa inisyal na pagtaya ng pulisya.

Nasa kostudiya ngayon ng DEG ang mga suspek para sa karagdagang imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Read more...