POSIBLENG maharap sa kasong inciting to sedition ang singer na si Mystica matapos itong mag-rant against President Rodrigo Duterte sa kanyang Facebook account.
As reported by a website, Atty. Trexie Cruz-Angeles said in a message sa social media na posibleng makasuhan si Mystica because of her pambabastos sa Pangulo and his administration kaugnay ng COVID-19.
“Dahil maraming nagtatanong, ano raw ang kaso ni Mystica. So eto, we transcribed her words.
“At base dito, papasok ang kaso niya sa inciting to sedition dahil hinihikayat nya ang mga tao laban sa mga awtoridad.
“’Yan ay kung imbestigahan at kasuhan siya ng DOJ.”
‘Yan ang nabasa naming report sa isang website.
Napanood namin ang mahabang aria ni Mystica sa Facebook account niya and we were aghast at her temerity na pagmumurahin ang Pangulo.
At one point, she said this, “I am challenging the President! Siya ang i-home quarantine. Wag siyang palabasin at wag siyang bigyan ng pagkain at inumin. Tingnan natin kung ano ngayon ang magiging kahihinatnan niya.”
Grabe ang pagmumura niya kay President Duterte. Walang habas talaga niya itong binastos.
Ang nakakaloka, hindi napanindigan ni Mystica ang kanyang katapangan at kagagahan.
After two days lang kasi ay nagbago na ang kanyang tono. She has become apologetic and was singing a different tune. Humingi na siya ng tawad sa Pangulo.
“Ako talaga ay taga-suporta ng President. Alam ko na ang President natin may puso yan… Kung ako man ay nakapagmura, and I repeated it again, dahil sa parang ako rin ay isang anak ng isang ama. Kasi from the start, tinuring ko na siyang ama,” say ni Mystica as reported by a website.
“I’m sure naman na mapapatawad ako ni Presidente dahil alam niya na ang isang tao kapag frustrated, masasabi niya lahat… And bilang anak, alam ko na hindi tama yun,” dagdag pa niya.