Lani nag-sorry sa ‘COVID-14’ blooper; Bong nakagat ng aso 

LANI MERCADO AT BONG REVILLA

“SORRY po sa mga nagalit…tao lang po.” 

Yan ang mensahe ni Bacoor City Mayor Lani Mercado sa madlang pipol matapos mag-viral sa social media ang kanyang “COVID-14” blooper.

Kasabay ng kanyang 52nd birthday celebration, humingi rin ng paumanhin ang actress-politician sa nagiging pagkakamali niya sa huling pagsasalita niya sa Facebook live.

Kung matatandaan, habang nagbibigay ng update tungkol sa kalagayan ng mga taga-Cavite sa FB Live, sa halip na COVID-19 ay COVID-14 ang kanyang nasabi. Dahil dito, kaliwa’t kanang pambabatikos ang inabot niya sa mga netizens.

Sa pamamagitan uli ng Facebook Live video gamit ang official page ng asawang si Sen. Bong Revilla, muling humarap sa publiko si Lani. Binigyan muna siya ng bouquet of flowers kasabay ng pagbati ng happy birthday. 

Nagpasalamat naman ang alkalde ng Bacoor kay mister kasabay ng pagsasabing working birthday pa rin siya para tugunan ang mga pangangailangan ng kanyang mga nasasakupan.

 “Thank you po sa lahat ng mga bumati, nakaalala, nakakaappreciate po ng trabaho kahit na maraming ganap. Okay lang po ‘yan, bahagi po ‘yan ng trabaho po,” sabi ng aktres.

Tungkol naman sa pagkakamaling nasabi niya sa COVID-19, “Sa mga natuwa sa aking pagkakamali, COVID-14, sorry po. Talagang wala na. Marami po talagang iniisip.

 

“Sorry po sa mga nagalit. Huwag na po kayong magalit. Tapos na po ang Mahal na Araw…bawal po magkamali pala ang mga alkalde.

“Tao lang po, pasensya na, pero ginagawa po talaga namin ang lahat ng aming magagawa para lang malampasan natin itong” aniya pa.

Pagpapatuloy niya, “And we all pray na sana, mahanap na po ang lunas ng COVID-19.

“Thank you much, I love you! Trabaho pa rin po, trabaho tayo. I am okay, I am happy. I’m not mad kahit bina-bash,” pahayag pa ni Lani.

Ito naman ang depensa ni Sen. Bong sa kanyang asawa, “Kahit anong gawin mo, may pula at may pula pa rin. Pero ang importante, gawin mo kung anong dapat para sa kanila.

“Katulad ng sabi nga ni Mayora, nagkamali siya, COVID-14…” sey pa ng aktor-politiko.

“Medyo nadulas lang siya noon, medyo nagkamali. E, nobody’s perfect. Lahat naman tayo, nagkakamali. Very minor.

“Naging katawa-tawa, napaligaya naman niya yung ibang tao. Yun nga lang, naging katawa-tawa, pero it’s okay,” sey pa ng senador.

Samantala, ibinalita rin ni Bong na nakagat pa siya ng aso nang bisitahin ang amang si former Sen. Ramon Revilla, Sr..

“Ako nga, nakagat na ng aso, di ba? E, kasama iyon, e. Wala naman may gusto nu’n. Ang importante, okey tayo,” aniya pa.

Read more...