MAY bagong paandar na naman si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Mocha Uson.
“Panagutin ang nagpapakalat ng FAKE NEWS!”
‘Yan ang reaction niya sa ni-report niyang article which said: “READ: DOH statement on allegations of hospitals being ordered to stop reporting COVID-19 deaths.”
With that, nag-boomerang sa kanya ang pambabatikos as public opinion went against her.
“Sa totoo lang supporter President Duterte talaga ako pero sa babaeng to ayoko talaga sa Mochang to.”
“Ikaw kaya ang reyna ng FAKE NEWS…My God look who’s talking.”
“Pls mauna ka na managot sa ginagawa mo.”
“Una ka dapat managot. Dami mo nakinalat na fake news.”
“Hiyang hiya naman kami sayu MOCHANG tanga lang.”
Pero may mga nagtanggol din naman kay Mocha at nagsabing huwag nang patulan ang kanyang mga bashers na puro trolls lang daw dahil wala pa sa 10 ang mga followers ng mga ito.
Nag-start ang issue na ito after news achor and broadcast journalist Arnold Clavio posted on Instagram about COVID-19 patients na namatay at nasa hallway lang daw ng isang hospital sa Metro Manila.
Dinenay ng Department of Health at ng management ng East Avenue Medical Center ang lumabas na balitang nag-uutos umanong, “stop or hold the census and reporting of deaths related to COVID-19.”
Sinabi pa ni DOH Sec. Francisco Duque sa post ni Arnold Clavio, “The DOH did NOT and will NEVER issue a directive for hospitals to conceal the number of COVID-19 deaths.”
Dahil dito, naging top trending topic pa sa Twitter nationwide ang pasabog ni Arnold.