Abroad sa 2014 (2) | Bandera

Abroad sa 2014 (2)

Joseph Greenfield - August 10, 2013 - 07:00 AM

Sulat mula kay Rene ng Barangay San Vicente Alto (Dagatan),
Oroquieta City
Problema:
1.      Isang kursong may kaugnayan sa pagbabarko ang natapos ko.  Pero, hanggang ngayon ay wala pa rin akong trabaho.  Gayunpaman, patuloy pa rin ako sa paga-apply sa sa mga shipping at manning agencies.  Nawawalan na ako ng gana dahil lahat sila, ang sinasabi sa akin ay tatawagan na lang daw ako.
2. Sir Greenfield, sa edad kong ito, may pag-asa pa kaya akong magkaroon ng regular na trabaho? Kung meron, kailan kaya ito magkakatotoo?  Nagsasawa na kasi ako sa buhay ko na walang ginagawa at maghapon na lang sa bahay. March 20, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Julius Davao City  
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Sagittarius ang tutulong sa iyo sa taon 2014 upang makapangibang bansa at matupad ang pangarap mong maging isang seaman.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing sa buwan ng Marso hanggang Abril sa taon 2014, kung lagi kang magsusuot ng kulay na pula at dilaw, tulad ng nasabi na, susuwertehin ka na sa iyong career.
Graphology:
Upang mas madaling matupad ang magandang kapalaran sa larangan ng pag-aabroad at pagse-seaman, pagandahin mo ang iyong lagda. Magagawa mo, kung sa halip na patusin ang letrang “t” sa isang malaking bilog sa iyong aplido, gawin mong simpleng “t” na lang ang nasabing letra na may mahabang krokes. Sa ganyang lagda, magtatagumpay ka na at magiging maligaya.
Huling payo at paalala:
Rene, ayon sa iyong kapalaran, sadyang stagnant o walang pagbabago ang magiging takbo ng buhay mo hanggang sa taon ito. Ngunit pagsapit ng taon 2014, mala-dramatikong magbabago ang iyong kapalaran, mula sa paista-istambay lang, magkakaroon ka ng regular na trabaho sa ibayong dagat, at sa nasabing pag-aabroad, tulad ng naipaliwanag na, tuloy-tuloy ka ng uunlad at makakaipon ng sapat na halaga upang makapagtayo ng isang asensado at maunlad na pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending