MAGTATAYO ang siyudad ng Makati ng apat na emergency quarantine facility para mapagaan ang kapasidad ng mga ospital na nag-aadmit ng mga pasyenteng may coronavirus disease o COVID-19.
Ito ang sinabi ni Makati City Mayor Abby Binay nitong Lunes.
Ayon kay Binay, ang mga pasilidad na ito ay para sa mga pasyenteng may COVID-19 at mga suspected na nahawa.
Sa isang press statement, sinabi ni Binay na nasimulan ang proyektong ito sa tulong ng ilang mga private sector donors.
Tatlong temporary facility ang itatayo sa Pembo Elementary School at isa naman ay sa parking area ng Ospital ng Makati.
“We have taken strategic measures to battle this pandemic and flatten the curve of the virus. The city will continue to think of ways to make sure that every Makatizen is safe and healthy.” ani Binay.
Gawa ang mga pasilidad na ito sa wooden frames at Polyethene sheets, may 15 kama, sanitation at disinfection areas, isang testing box at lounge para sa mga nars.