Tupada, ‘pambansang’ bisyo ng mga pasaway

GAYA sa Metro Manila, parang kabute na umusbong ang mga ilegal na sabungan sa Cebu City. Salamat na lamang at alerto ang mga otoridad at nalambat ang mga sugarol na sumusuway sa enhanced community quarantine.

Ngayong araw ay inanunsyo ng Cebu City Police Office na sasampahan ng kaso ang 56 lalaki na naaktuhan sa iba’t-ibang tupada noong Sabado at Linggo.

“These people really like to go out, so let’s just arrest them,” ani Col. Josefino Ligan, hepe ng CCPO.

Sinabi ni Ligan na paulit-ulit na nilang pinaaalalahanan ang publiko na huwag lumabas ng bahay o magdikit-dikit sa ilalim ng ECQ executive order.

“However, the public also continue to violate not only engaging themselves to illegal gambling activities such as cockfighting but also swimming in beaches,” dagdag niya.

Mula Marso 17 hanggang Abril 6 ay unabot sa 226 ang mga nahuling lumabag sa quarantine.

Read more...