Medical career ibigay sa mga kabataan

MAHALAGA umano na kumuha ng medical career ang mga kabataan ngayon para mapalabas ang health care system ng bansa.

Ayon kay Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ang kakulangan sa mga medical health workers ay mas lalala dahil sa coronavirus disease 2019.

“If we are to strengthen the country’s health care system to make it more effective in responding to any pandemic threats in the future, we need to have more doctors, nurses and other medical professionals on the frontlines,” ani Herrera. “To make sure we will not run out of doctors and nurses, we need to encourage young Filipinos to consider a career in health care and be the next generation of heroes and champions of public health.”

Bago ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa, ang ratio ay isang doktor para sa 33,000 Filipino malayo sa global average na 1:6,000.

Ayon sa Philippine Medical Association may 130,000 lisensyadong doktor sa bansa subalit 70,000 ang active sa propesyon at marami ang pumunta sa ibang bansa para pumasok na nurse dahil sa laki ng suweldo.

Dahil magastos mag-doktor, dapat ay paigtingin umano ang pagbibigay ng scholarship sa mga nais na mapunta sa propesyon na ito.

Sa ilalim ng Medicine Scholarship Program ng Department of Health, bibigyan ang isang scholar ng apat na taong medical education kasama ang summer immersion programs at isang taong post-graduate internship. Saklaw din ng scholarship ang apat na taong Bachelor of Science in Midwifery.

Kapalit nito ang scholar ay kailangang magsilbi ng dalawang taon sa bawat taon na sinagot ng gobyerno ang pag-aaral nito.

Ang Commission on Higher Education naman ay nagbibigay ng tuition subsidy at financial assistance sa lahat ng medical students sa walong state universities and colleges na mayroong Doctor of Medicine Program.

Mayroon ding ibinibigay na scholarship ang mga pribadong medical schools gaya ng William H. Quasha  Memorial sa St. Luke’s College of Medicine, University of the East-Ramon Magsaysay Memorial Medical Center Inc. Scholarship Programs, at Romeo P. Ariniego Scholarship for Medical Education sa Silliman University in Dumaguete City.

Read more...