3 kulong sa pagsusugal

KALABOSO ang tatlo katao na nahuli umanong naglalaro ng tong-its sa Quezon City kahapon.

 Kinilala ang mga naaresto na sina Ryan Pelegrino, 35, Melvin Labog, 34, at Edward Diofiles, 28, mga taga-Brgy. Greater Fairview.

Nagsasagawa umano ng anti-criminality campaign ang mga pulis nang makita nila ang mga suspek na nagsusugal alas-5:45 ng hapon sa Blk. 12 Lot 11, Sitio Ruby, Brgy. Greater Fairview.

Narekober umano sa mga suspek ang P99 taya at baraha.

Read more...