Ai Ai, Gerald 6 years nang magdyowa: I love you to the moon (kakorte ko to) and back! 

Ai Ai-Gerald

NAGPALITAN ng sweet message ang mag-asawang Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan para sa kanilang  6th anniversary bilang magdyowa.

Binalikan nila ang naging journey ng kanilang love story noong mag-boyfriend-girlfriend pa lang sila kasabay ng pag-amin na hindi rin naging madali ang naging simula ng kanilang relasyon.

Nag-post ang Comedy Concert Queen ng picture nila ni Gerald together sa Instagram na may caption na, “Good morning asawa ko.

“May our love for one another continue to grow and blossom each year… may we have an endless joy, happiness and love.

“Happy 6th year anniversary my darling… Thank you God at going strong pa din kahit may mga humps minsan pero nandyan ka parati Lord to make our relationship stronger.

“Thank you my darling for bringing out the best or worst? Hahaha char lang in me.. I love you to the moon (kakorte ko to) and back,” mensahe pa ng Kapuso TV host-comedienne.

Para naman kay Gerald na isa nang piloto ngayon, ang pagmamahal sa kanyang asawa ang isa sa mga pinakamasarap na feeling na nararamdaman niya ngayon.

Mensahe niya sa kanyang misis, “Happy 6th anniversary my ex girlfriend na asawa ko na ngayon. i love you so much darl @msaiaidelasalas Read : Ephesians 5:28.” 

Ayon sa nasabing Bible passage, “In the same way, husbands ought to love their wives as their own bodies. He who loves his wife love himself.”

Nagpakasal sina Ai Ai at Gerald noong Dec. 12, 2017. 

Read more...